-CHORUS-
Sana lahat ng pangarap ay makamit
Sa tuwina ikaw ang kasama
Tayong dalawa ay masaya sana
Sana
Habang namamasyal sa park hawak ang Humpy Dumpy
May bigla lang may natanaw, isang magandang binibini
Napangiti, sumunod aking mga mata
Hinangad na sana'y makilala ka at makasama
Sa tuwina, ikaw lang ang aking pinapangarap
Na sana'y habang buhay na kitang makakayakap
O anong sarap kapag ikaw natatanaw
Sana sa iyong puso ay wala akong kaagaw
Isasayaw ka na parang sa 'Huling El Bimbo'
Mapa-chacha man o tango, paborito ni sarhento
Ibibigay ko sa 'yo lahat ang luho
Basta't malaman mo lang na lahat ay hindi biro
Sana'y marinig mo, sana'y mapadama ko
Na ikaw lang ang iniisip ko minu-minuto
Sana'y malaman mo na meron sa 'yong naghihintay
Nandito lang ako magmamahal sa 'yo nang tunay
Nakakapagpabagabag, kumakalabukab
Sa damdamin ko kasi ako sa 'yo ay in lab
Naglalagablab, lumiliyab aking mga pangarap
Kailan, saan kaya puso mo ay mahahagilap
Sa alapaap, ako lagi nakatingin
Nananalangin sana ika'y mapasaakin
Simoy ng hangin, dumadampi sa 'king mukha
Hindi ko napapansin na 'ko pala ay tulala
May himala pa ba sa akin na darating
Sana makasama ka at aking nang makapiling
Sa paggising, sa 'king pagmulat ng mata
Hinihiling ko lang sana sa 'kin nakayakap ka
O sana, sana, sana, o sana talaga
Imahinasyon ni Tumpak magkatotoo na
Sana makamit na, sana makasama ka sa tuwina
Sana madala na kita sa pwestong kaaya-aya
[Repeat CHORUS]
Simula nang makilala ka at matanawan ka
Ikaw lang, girl, ang hinangad ko sa buong planeta
Sana damang-dama na, sana damang-dama na, ikaw lang 'di ba
Ano pa ba ang kailangan para ikaw ay makuha
Sana, aking sinta, ako ay iyong nakikita
Nang mapagmasdan mo talas sa 'king mga mata
Sinisigaw ng puso, sana ay marinig
Sinisigaw ng puso mula sa 'king pag-ibig
Lamig at himig na sa 'yo lang ilalalan
Walang hangganan, sukdulan na ito sa buwan
Mahagkan na kita para ba 'kong nabaliw
O aking giliw, ako sa 'yo'y naaaliw
Para bang paksiw, ikaw ang aking paborito
Basta't komplikado, pag-ibig ay totoo
Sana malaman mo na ang lahat para sa 'yo
At 'yon ang tangi kong pangarap sa buong mundo
Girl, nasaan ka na, kita mo ako'y nalulumbay
Halikan mo lang ako, para ba akong hinimatay
Nawalan ng malay sa halik mong sobrang tamis
Makuha lang kita, handa na 'kong magtiis
Kahit ga'no pa katagal ang panahong lumipas
Sa 'yo ko lang ilalaan ang minuto at oras
'Pagkat sa puso kong ito, ikaw lang ang gamot
Ikaw ang bumura ng hirap ko at lungkot
Malambot mo na palad, kailan ko mahahawakan
Ang matamis mong halik, kailan ko matitikman
Ako'y sabik sa iyong pagmamahal
Hihintayin kita kahit ga'no pa katagal
Maging hangal, okey lang 'yon, aking tatanggapin
Makuha lang kita at puso mo ay maangkin
Ibigin mo lang, para bang lumilipad
Sana pangarap kong ito lahat ay matupad
[Repeat CHORUS]
Hindi kukupas ang pag-ibig ko sa 'yo, parang maong
Lagi kong sinasalat ang kamay mo, parang mah-jong
Dahil lulong ako sa 'yo na parang bisyo
Ikaw ang nagpalundag sa puso ni Dencio
Pero sana, 'wag mo sana akong saktan
Sa ating relasyon, iyong loob tibayan
'Wag mong pakinggan, ha, ang mga humahadlang
Dahil ikaw ay akin at sila'y inggit lang, you know
Oh, sandali, hindi naman sa nagmamadali
Pero alam ko rin naman na pag-ibig ay 'di madali
Pero hindi na mapakali na sana bukas
Ang bawat buhos at tulo ng luha, ikaw na sana magpunas
Ang makatabi't makayakap ko, ikaw na sana
Ang makamit, maging kalinga ko, ikaw na sana
At sana, pakinggan mo awiting inaalay
Eto pakinggan mo, tanging masasabi ko ay (masasabi ko ay)
[Repeat CHORUS twice]
In der Welt der Prominenten gibt es oft Geschichten von Liebe und Trennung, und kürzlich hat eine solche Nachricht die Schlagzeilen dominiert: Joe Jonas und Sophie Turner, eines der bekanntesten Promi-Paare, lassen sich scheiden
Berlin, die pulsierende Hauptstadt Deutschlands, ist nicht nur für ihre Geschichte, Kultur und Architektur bekannt, sondern auch für ihre lebendige Straßenkunstszene.
Bayern, das größte Bundesland Deutschlands, ist nicht nur für seine malerische Landschaft, seine leckere Küche und sein berühmtes Bier bekannt, sondern auch für seine reiche musikalische Tradition
Die Musik ist eine universelle Sprache, die Menschen auf der ganzen Welt miteinander verbindet. Sie kann nicht nur unsere Gefühle ansprechen und inspirieren
Musik hat seit jeher die Fähigkeit, Menschen zu vereinen und Botschaften der Hoffnung und des Friedens zu verbreiten.
Konzerte sind schon immer eine beliebte Form der Unterhaltung für Menschen auf der ganzen Welt gewesen.
Deutschland hat im Laufe der Jahre viele großartige Musikgruppen hervorgebracht, die auf der ganzen Welt bekannt geworden sind.
Eine Gitarre zu stimmen, kann für Anfänger eine Herausforderung darstellen, aber es ist ein wichtiger Schritt, um sicherzustellen, dass Ihr Instrument gut klingt.