Verse I:
Ako nang unang bibira para mabomba ang bara
Kaya kong mag ihaw ng taba gamit ang lampara
Pinto ko'y di ko sasara mananatili tong bukas
Para sa mga ungas na susubok saking lakas
Tanging sandigan ay taas matindi pa ko sa batas
At nung ako ay lumabas mga pulgas nagsikalas
Ang isang makatang taga manda ang pangalan ay pangaso
Di ko binanggit ang pangalan mo wala kang kaso
Tinrangkaso ang mga tangang makatang puro yabang
Sarap isargo ng pangang pangharang ng malamang
Ako si lirico payat na malaki noo
Pakinggan mo awit nato para sayo to ginoo
Verse I I:
Ang paglapag ko sa isang laro kung san ka bagay
Kung papalag ka pa bano tignan kung san ka bagay
Pag ako ang bumuga mas malupit pa sa mayon
Pabangisan palupitan sakin magkasama yon
Wag ka na magtangka pa na umepal dahil baka mangalaska
Wala akong pakialam kahit na magaling ka pa mang alaska
At hindi usapan kung tayo ay di magkasingtanda
Ito ay paalala sa mga di nagsipagtanda
Binalasa ko mga kalaban ko't pinagtabuyan
Binalasa ko bangis ng letra ko't pinagsabuyan
Akin ng pasasabugin ang galit sa sindikato
Oh eto ang bomba pare pakisindi nga to
Verse I I I:
Tawagin na ngayon lahat lahat ng pwede mong tawagin
Pag ako na ang bumanat di mo na pwedeng awatin
At sukatin ang libingan lampas anim na dipa
Kung pinalad ka noon ngayon samin na iba
Kaya mikropono ay akin at aking wawasakin na
Kalaban napa sakin na diploma at stamina
Basahin mo ang pahina ilan na ang nagpahinga
Korona na sa amin na ilan na ba ang biktima
Ang dami na mula andromida ating pagitan
Sumulat ka man ng maganda o kahit pangitan
Hindi ka mananalo sa pakikipagdigma
Saking talentong di pantao batang laging sa gitna
Marami saking nabigla ng hinawakan ang mikropono
Natalo mo ako sa duwelo sino ang niloko mo
Istupido si kupido man di ka papanain
Sa laban natin kailanma'y di ka papalarin
Verse IV:
Kapag nag umpisang bumanat entablado'y mawawasak
Pulidong mga barang na sa utak mo'y tatarak
Sulidong mga letra na inyong matatamasa
Sa mga magpipilit ako'y makikipag sagupa
Ako ay isang paham na nakikipag tagisan
Wala kong magawa kaya ika'y pagbabalingan
Ng aking oras parang posas at di ka makakatakas
Tampalasang na katulad mo ako ay paghihimas
Sapagkat mga banat mo ay kulang sa pagsusuri
Siguro kahit na langgam ay di ka mapupuri
Wag mo kaming daanin sa iyong pagmamalabis
Slim at siobal d ngayon sayo ang maglilitis
Verse V:
Simulan mo na maghanap ng pwedeng saking itumbas
Maghakot pa ng kasama punuin ang pitong bus
O higit sampu basta ung pedeng maipangsanggalang
Simple lang ang paraan para maibagsak kalang
Kasi ako ung tipo na di kayang ilampaso
Ng mga dapat pang mag aral mag bilang ng ilang pasko
Ngayon ay lalabas ko ang pasensya sa dibdib
At sayo ihahampas ko ang prisensya ng bibig
At sa pagtitig ng mata nakataas parin ang kilay
Tumindig man ng madapa bakas parin ang pagkapilay
Hindi na malaman umano ang dapat na ihakbang
Nang di tawanan umano ng mga itinakdang
Ipwesto sa pinakamataas na libel
Kaya alisto sa pinakamalakas na baril
Na sing laki ng kanyon kailangan ng higanting bala
Katumbas nyan ay ang lupet ni numerious ginantimpala
Verse VI:
Makinig sa letrang kayang magkamada ng bigas
Kami ang repablikan ang armada ng tigas
Ang mga nangyari sa mga kalaban pagkapalo ko
Ng mga salita nakatikim ng pagkatalo
Kung nakalingat ako nagsikalat ang mga bobo
Pagbwelta ko parang nagsikalasang mga lobo
Na walang pag asa pagkat pagtapon ng mga buhay
Dapat sa demonyong yan ipakapon ang mga sungay
Di na susukat ang iyong galing sa bilang ng patalo
Ngayon makinig ka sa mga dilang makabago
Flict g ang anim na tugma ay akin ng hinanay
Pag narinig mo to para ka lamang inanay
Verse VII:
Nagtakbuhan ang mga puta ng lusubin ko sa kuta
Parang mga tupang nagsikalat ng ako na ang nanguna
Sa digmaan at bakbakan ang lakas tinatapakan
At kung sino mang umentra ay aking tinatapalan
Ng mga letra kong nagtatalsikan parang laway
Ako si cocky na dumudurog ng kaaway
Walang patawad at sindikatong isinilang
Dala ko ang kargadang di mahaba maiksi lang
Pero kayang tapusin kahit na gano kadami
Bilang ng tinaob ko pare ay napakarami
Uubusin ko lahat kayo mga mapagbalat kayo
Kahit ilan pa man kayo durog lahat sa pagbayo
Verse VIII:
Isang __ ng __ puro mga alanganin
Bawat bibitawan ko siguradong di mo kakayanin
Bakità wag mo ng subukang magtanong
Dahil lahat ng pilit humarang isa isang pinagulong
Parang basahan na aking pinamunas sa
Mga nangangarap na basurerong maaangas sa
Mga maeepal na mahihilig magpanggap
Di mo matanggap panis kayong lahat
Makinig kayo sa bawat dikta ko
Lahat ng yabang mo lalamunin mo
Ngaun itanim mo sa walang lamang kukote niyo
Masta plan pangalan ko
Galing pa ko ng cavite
Repablikan southside
Verse IX:
Para muling nasa eksena at makikipagtagisan
Layunin ay durugin ang mga nagsisipagtigasan
Sa larangan ng tula sige subukang kalabanin
Pag ako katunggali mo ang lagay mo alanganin
Kaya wag mo ng balaking sumabay ng palupitan
Di ka mananalo samin kaya wag ng ipagpilitan
Ang katulad mong tanga sa ami'y hindi nababagay
Magpakabihasa na muna bago ka samin humanay
Malumanay man ang banat ko pero pulido
Letra ko na bibitawan sin tigas pa ng kungkreto
Sa kukote mo ipasok kailan may di mo kaya
Kahit anung gawin mo style ko di mo magagaya
Verse X:
Hindi kana makakabangon pag ako ang kinalaban
Lahat ng aking dadaanan siguradong kakabagan
Dadapa ang lahat sakin ay haharang
Pupuksain kita na parang isang mambabarang
Na parang harang na aking gigibain
Ang buhay mo ay siguradong aking kikikilen
Hindi mo kakayanin kahit ilan pa ang
Iyong tawagin parang bumangga ka lang
Sa pinakamatibay at walang makakasabay
Ako ang sindikato na walang makakapantay
Sa kahusayan lahat ng ***** basura
Ang nararapat sa inyo ay ***** na mura
Verse XI:
Kami'y sinilang at sa microphone ngayon sumalang
Talino na dala lumalagpas at di masalang
Sinuyod na namin ang iba't ibang lugar
Sa mga mapang api kami'y depensang militar
At tinahak ng utak ang masukal na lagusan
Ang pinamalas namin ay hindi matatawaran
Marami ngang humarang ngunit lahat paralisado
Kapag pamilya repablikan ang nasa entablado
Ganyan kabagsik parang legitate ng gatilyo
At mas maikli pa to kesa sa hampas ng martilyo
Mga walang respeto magmumumog ng dugo
Papel na pinunas sa tumbong ang syang panyo
In der Welt der Prominenten gibt es oft Geschichten von Liebe und Trennung, und kürzlich hat eine solche Nachricht die Schlagzeilen dominiert: Joe Jonas und Sophie Turner, eines der bekanntesten Promi-Paare, lassen sich scheiden
Berlin, die pulsierende Hauptstadt Deutschlands, ist nicht nur für ihre Geschichte, Kultur und Architektur bekannt, sondern auch für ihre lebendige Straßenkunstszene.
Bayern, das größte Bundesland Deutschlands, ist nicht nur für seine malerische Landschaft, seine leckere Küche und sein berühmtes Bier bekannt, sondern auch für seine reiche musikalische Tradition
Die Musik ist eine universelle Sprache, die Menschen auf der ganzen Welt miteinander verbindet. Sie kann nicht nur unsere Gefühle ansprechen und inspirieren
Musik hat seit jeher die Fähigkeit, Menschen zu vereinen und Botschaften der Hoffnung und des Friedens zu verbreiten.
Konzerte sind schon immer eine beliebte Form der Unterhaltung für Menschen auf der ganzen Welt gewesen.
Deutschland hat im Laufe der Jahre viele großartige Musikgruppen hervorgebracht, die auf der ganzen Welt bekannt geworden sind.
Eine Gitarre zu stimmen, kann für Anfänger eine Herausforderung darstellen, aber es ist ein wichtiger Schritt, um sicherzustellen, dass Ihr Instrument gut klingt.